-- Advertisements --
Lumalakas pa ang bagyong Leon sa nakalipas na mga oras, kaya inilagay na ito sa tropical storm category.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 225 km sa kanluran hilagang kanluran ng Coron, Palawan.
Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 10 kph.
May taglay itong lakas ng hangin na 65 kph at may pagbugsong 80 kph.
Kabilang sa mga lugar na uulanin dahil sa bagyo ang mga sumusunod: MIMAROPA, Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Bicol Region, CALABARZON, Quirino, Nueva Vizcaya, Isabela Cagayan, Western Visayas at Mindanao.