Muling ibinaon sa talo ng Los Angeles Lakers ang Houston Rockets, 117-100.

Ito na ang ikalawang sunod na panalo ng Lakers sa Rockets.

Nanguna naman si LeBron James sa team na nagpakawala ng 26 points.

Sa first half pa lamang umabot na sa 22 points ang naipasok ni James.

Habang si Anthony Davis ay nag-ambag ng 19 points at 10 rebounds.

Sa ngayon wala pa ring talo ang defending champion sa anim na mga road games para gumanda pa ang kanilang record sa 9-3.

Sa kampo naman ng Houston nagtala lamang si James Harden ng 16 points mula sa 5-of-16 shooting.

Sa kamalasan ng Rockets, lumagpak pa sila sa record na 3-6