Kinumpirma ngayon ng Los Angeles Lakers na hindi makakapaglaro si NBA superstar LeBron James sa opening game ng NBA.
Ito ay matapos na ma-diagnosed ng right-side sciatica kung saan kailangan pa niya ng pamamahinga ng hanggang apat na linggo.
Sinabi ni Lakers coach JJ Redick na hindi nakapaglaro ang 40-anyos na si James ng dalawang pre-season games dahil sa nerve irritaton sa kaniyang glute.
Ang sciatica ay pananakit o pamamaga sa sciatic nerve mula sa ibabang likod ng hita.
Dagdag pa ng Lakers coach na susuriing mabuti ng kanilang doctor si James pagkatapos ng tatlong linggo bago ito payagang makapaglaro.
Una ng sinabi ni James na sabik itong makapaglaro mula dahil siya ang magiging kauna-unahang manlalaro sa kasaysayan ng NBA na maglalaro ng kaniyang ika-23 season.