Nagpahayag ng pagsuporta ang League of Cities of the Philippines (LCP) sa kautusan ni Pangulong Bongbong Marcos na magkaroon muna ng konsultasyon sa mga lokal na pamahalaan bago ang pagtatayo sa mga public infrastructure project.
Batay sa statement na inilabas ng grupo ng mga local executive ngayong Agosto 25, tinukoy ng mga ito ang pangangailangan na makasama ang mga LGU sa pagpaplano at tuluyang implementasyon sa mga pampublikong proyekto na pinupondohan ng national government.
Ayon sa grupo, ang direktiba ni Pang. Marcos ay mahalaga para maging minimal o tuluyang matanggal ang mga kapalpakan sa mga large-scale infrastructure project ng pamahalaan, lalo na ang mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ang pagpapanumbalik sa naturang sistema, ayon sa mga city chief executive, ay malinaw na pagpapakita sa tiwala ni Pangulong Marcos sa kapasidad ng mga lokal na pamahalaan bilang katuwang ng pambansang pamahalaan.
Ang naturang pagbabago umano ay magbibigay-daan para sa mas episyente at epektibong project implementation.
Magdudulot din ito ng mas epektibong paggamit sa resources ng bansa.
Kasabay ng naturang pahayag ay tinitak ng grupo na gagampanan ng bawat city mayor ang kanilang papel tulad ng pagsisilbi bilang facilitator sa ng mga consultation at bilang force multiplier sa pag-monitor sa mga government-funded projects.
Ayon sa liga, pinapahalagahan nito ang tiwalang ipinagkaloob ni Pang. Marcos sa kanila
Bilang pakiki-isa, tiniyak ng grupo na sama-sama ang mga syudad na harapin ang hamon na siguruhing nababantayan ang mga public infrastructure project na kadalasang kinakabitan ng anomalya, tulad ng kasalukuyang nangyayaring pagsisiyasat sa mga flood control project.