lea salonga

Balik Australia si Lea Salonga para sa ilang serye ng shows.

Sa kaniyang Instagram, inanunsiyo nito ang pagtungo niya sa nasabing bansa.

Magsisimula ang kaniyang three-week tour sa Brisbane bago magsagawa ng ilang serye ng concert sa Sydney Opera House sa November 15 at 16.

Magtatapos ang kaniyang tour sa Palais Theatre sa Melbourne sa November 20 at 21.