ILOILO CITY- Nag positibo sa isinagawang cross matching ang baril ng lasing na pulis na nagpaputok at nagbanta na papatayin ang kanilang hepe sa Pototan Municipal Police Station sa bayan ng Pototan, Iloilo.

Kinilala itong si Patrolman Joerick Ace Ilisan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Col. Enrique Ancheta,pinuno ng Regional Crime Laboratory Examination Office, sinabi nito na nagtugma ang baril ni Ilisan sa mga narekober na basiyo ng bala sa Pototan Municipal Police Station kung saan naganap ang pamamaril ni Ilisan.

Maliban dito, nag negatibo rin si Ilisan sa drug test.

Matandaan na si Ilisan ay naging kontrobersyal matapos mahuli ng inspection team ng Police Regional Office 6 na hindi nagsusuot ng uniporme at naglalasing sa kanilang istasyon kasama si Police Corporal Esil PeƱarubia.

Nang pinagalitan ang mga ito ng kanilang hepe na si Police Major Ronnie Brillo, dito at nagalit si Ilisan at nagpaputok ng baril at nagbanta sa kanyang hepe na papatayin.

Napag-alaman na rin nakapyansa na si Ilisan matapos ipinakulong ng kanyang hepe.