Reading Time: 1 minute

CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang isang lalaki matapos sinaksak ng kaniyang sariling pamangkin sa may Sitio Punta, Barangay Macabalan nitong lungsod.

Kinilala ang biktima na si Romeo Besario, 59-anyos, residente sa nasabing lugar.

Sinabi ng suspek na si Elford Besario, 51-anyos nangyari ang krimen nang pinagsabihan niya ang kaniyang tiyuhin na hinaan ang boses habang nagtatagay kasama ang mga kaibigan nito dahil siya ay natutulog.

Ngunit, laking gulat na lamang nito dahil hinamon siya ng biktima na magsuntokan silang dalawa.

Dahil dito, pumunta ang suspek sa kusina at kinuha ang kutsilyo sabay saksak sa dibdib ng biktima hanggang mawalan ito ng hininga.

Pinagsisihan ni Besario ang naggawang krimen at inamin nito na lasing din siya at kagigising lang niya nang hinamon siya ng suntokan ng kaniyang tiyuhin.

Nahaharap ngayon sa kasong murder ang suspek.