-- Advertisements --

KORONADAL CITY- Muling naitala ang pagguho ng lupa sa bayan ng Lake Sebu, South Cotabato dahil sa paglambot ng lupa dulot ng pagbuhos ng malakas na ulan.

Ito ang kinumpirma sa Bombo Radyo Koronadal ni Lake Sebu Mayor Floro Gandam.

Ayon kay Gandam, nangyri ang landslide sa barangay Poblacion kung saan natabunan ng gumuhong lupa ang daan at maraming mga puno ang nabuwal na naging pahirapan ang pagdaan ng mga motorista.

Sa katunayan, na-stranded ang mga motorista dahil sa panibagong landslide. Samantala, nananatili naman sa evacuation center ang mga residente ng Barangay Lamcade na apektado pa rin ng tension cracks.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang clearing operation at damage assessment ng MDRRMO sa nasabing bayan.

Kasabay nito, nanawagan naman ang alkalde sa mga residente na na huwag munang pumunta sa sa mga lugar na itinuturing na danger zone lalo na sa landslide at flash flood.