-- Advertisements --

Nagdeklara ng state of calamity ang lalawigan ng Cavite dahil sa outbreak ng pertussis o whooping cough.

Ipinasa ng provincial board ang Resolution No. 3050-2024 matapos ang naiulat na 36 kaso ng pertussis sa lalalwigan kung saan mayroong anim na katao na ang nasawi.

Ipinasa ang resolusyon matapos na rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council.

Sa ilalim ng state of calamity ay maaring magamit ng probinsiya ang nasa P40-milyon na calamity fund para tugunan ang nasabing outbreak.