Arestado ang isang lalaki dahil sa tangka nitong pagpuslit ng iligal na droga sa New Bilibid Prison.

Umaabot sa 400 gramo ng pinaniniwalaang shabu ang nakuha sa suspek na nasa perimeter ng NBP.

Ayon sa mga kapulisan, nasita ng mga personnel ng NBP ang isang lalaki na aaligid sa lugar at ng sitahin ay nakuha ang nasabing droga.

Ang nasabing suspek ay itinturong nagsusuplay din ng iligal na droga sa mga inmates ng NBP kung saan patuloy na inaalam pa ng kapulisan ang posibleng kasabwat ng suspek sa loob ng nasabing pasilidad.