NAGA CITY- Patay ang isang katao matapos mawalan ng kontrol sa minamanehong motorsiklo sa Goa, Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Giefel Maleniza, 37-anyos, residente ng Barangay Tominawog, San Jose, sa naturang lalawigan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabagtas ni Maleniza ang kalsada papunta sa Barangay Cagacay, Goa, Camarines Sur nang bigla na lamang itong mawalan ng kontrol sa may pakurbadang bahagi ng barangay road sa naturang bayan dahilan para sumemplang ito.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad nabatid na nahulog sa gutter ang biktima at tumama sa log.
Dahil dito, nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan ang biktima na agda namang isinugod sa ospital ngunit idineklara ring Dead on Arrival ng mga doktor.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa insidente.