NAGA CITY- Pinaghahanap ngayon ang isang mangingisda matapos na malunod sa rumaragasang sa kasagsagan ng bagyong Ulysses sa Brgy 1-Poblacion, Catanauan Quezon.
Kinilala ang biktima na si Sandie Peñaflorida Abenilla, 39-anyos residente ng nasabing lugar.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial office (QPPO) napag-alaman na habang tumataas ang tubig baha sa nasabing lugar ng makita ng biktima ang isang kalabaw na naanod.
Kaugnay nito agad umanong lumusong ang biktima sa ilog upang iligtas sana ang nasabing hayop ngunit hindi na nito nakayanan ang malakas na agos resulta upang malunod ito.
Agad naman umanong nagsagawa ng search and retrieval operation ang groupo mula sa MDRRMO, BFP, PNP at mga mula sa mga residente ng naturang lugar ngunit hanggang ngayon ay hindi parin ito natatagpuan.
Sa ngayon nagpapatuloy parin ang isinasagawang imbetigasyon at maging ang retrieval operation ng mga otoridad hingil sa naturang insidente.