Spice Jet
Indian Spice Jet/ IG post

Patay ang isang technician ng SpiceJet Indian airline matapos na ito ay maipit sa pintuan ng eroplano sa Kolkata.

Nagsasagawa ng maintenance work ang biktimang si Rohit Pandey sa Netaji Subhash Chandra Bose International Airport ng biglang nagsara ang hydraulic door nito at dito siya ay naipit.

Kailangan pang sirain ang pintuan ng eroplano para maalis sa pagkakaipit ang biktima.

Naglunsad na ng imbetigasyon ang Directorate General of Civil Aviation (DGCA) sa nasabing insidente.