-- Advertisements --

DAVAO CITY – Itinigil na ng mga rescue team ang kanilang isinagawang retrieval operations matapos na marekober na ang isang lalaki na natabunan ng gumuhong lupa kaninang umaga sa bypass road sa Sitio Sto. Nino Barangay Mandug nitong lungsod.

Nakilala ang biktima na si Harvy Panes, isang biker, at residente sa Cabantian nitong lungsod.

Ang nasabing biktima ay positibong kinilala ng kanyang asawa.

Kinumpirma naman ni Davao City DRRMO Operations and Warning Officer Rodrigo Bustillo na buhay ang iba pang dalawang indibidwal na una ng na-ireport na missing matapos na nakatawid umano ang mga ito bago nangyari ang landslide.

Nakilala ang dalawa na sina Abdul Yambao at Mica Giducot na nag-jogging sa lugar matapos mangyari ang insidente.

Sinabi rin ng opisyal na itinigil nila ang retrieval operation dahil may malalaking bitak sa lupa ang lugar at delikado pa rin sa landslide.