Hindi tinanggap ni Rovelyn Baterbonia ang ina ng nasawing baskebolistang si Rene ang paghingi ng patawad ni Ateneo de Manil University men’s basketball head coach Tab Baldwin.
Sa social media account nito na hindi kaya ng paghingi ng paumanhin ang pagkasawi ng anak nito.
Nais lamang nito na ihayag dapat kung ano ang tunay na nangyar.
Hindi rin ito naniniwala na aksidente lamang ang nangyari sa kaniyang anak at kung sakaling aksidente ito ay hindi sila agad nabigyan ng kaukulang update.
Giit pa nito na inuna pa nila ang pagpost sa social media na nasawi na ang kanilang anak subalit wala man lang silang maipakitang anumang larawan.
Magugunitang inamin ni Baldwin na aksidente ang pangyayari sa pagkasawi ni Rene ganun din kay Divine Adili nitong Lunes ng umaga sa karagatang bahagi ng Aurora.















