DAGUPAN CITY- Arestado ang isang lalaki matapos mahulihan ng granada, baril at mga bala sa kanyang bahay sa barangay Bolo, Labrador, Pangasinan.

Kinilala ang naaresto na si Albert dela Cruz, 40 anyos residente sa nasabing lugar at dating nasangkot sa kasong pagpatay at child abuse.

Sa isinagawang search warrant operation ng pulisya, narekober sa bahay ni dela Cruz ang isang hand grenade, magazine ng caliber 45 na baril at apat na bala.

Itinanggi naman ng suspek na sa kanya ang mga nakuhang ebidensya.