BAGUIO CITY – Kinasuhan ng rape ang isang lalaki matapos ang umano’y panggagahasa nito sa isang special child sa Baguio City.

Ang suspek ay 24-anyos habang ang biktima ang 28-anyos.

Batay sa report, nautusan ang biktima na magtapon ng basura sa labas ng kanilang bahay at tinagubilinan ito ng kanyang ina na agad itong bumalik.

Gayunpaman, hindi na bumalik ang biktima kaya’t sinundan ito ng kanyang kapatid.

Dito nasaksihan ng kapatid ng biktima na nakikipagtalik ang biktima sa suspek ngunit agad na itinigil ng suspek ang ginagawa niya sa biktima.

Agad namang naaresto ang suspek habang isinailalim sa medico legal ang special child na biktima.