KORONADAL CITY- Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang isang lalaki na responsable sa pananaksak sa sarili nitong kapatid sa bayan ng Makilala, North Cotabato.
Ayon sa Makilala PNP, kinilala ang sugatang biktima na si Glen Aguilar Canada, 34 anyos, isang karpintero habang ang suspek naman ay ang mismong kapatid ay si Antonio Aguilar CanadaJr., 48 anyos, may asawa, isang magsasaka na kapwa residente ng Purok 1, Barangay Batasan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang magkapatid na nagresulta sa pananaksak ng suspek sa kapatid nito.
Agad namang naaresto ang suspek matapos ang isinagawang manhunt operation ng mga otoridad.
Sa ngayon, hinihintay pa ang desisyon ng biktima kung sasampahan nito ng kaso ang kanyang kapatid.