KALIBO, Aklan- Patay ang isang lalake matapos makuryente sa Sitio Tugbungan, Barangay Caano, Kalibo, Aklan.

Kinilala ang biktima na si Marjun Torres, 27 at residente ng naturang lugar.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Kalibo Municipal Police Station, aksidenteng nahawakan ng biktima ang live wire sa likuran ng kanilang bahay sa kabila na may paalalang nakasabit na hindi maaaring hawakan dahil may kuryente na nakasulat pa sa papel.

Ang insidente ay nagdulot ng pagkasunog ng ilang bahagi ng kanyang katawan dahil sa malakas na boltahe ng kuryente na pumasok sa kanya.

Dinala pa ito sa Aklan Provincial Hospital ngunit idineklarang dead on arrival ng attending physician.