-- Advertisements --
Posibleng hindi makapaglaro ng ilang buwan si Los Angeles Lakers star Anthony Davis dahil sa medial collateral ligament (MCL) sprain sa kaniyang kaliawang tuhod.
Nakuha nito ang injury sa laban ng koponan sa Minnesota Timberwolves ng magkabanggaan sila ni Jaden McDaniels nitong Sabado.
Umaasa naman ang koponan na agad na gumaling si Davis para ito ay kanilang makasama sa mga laro.
Matapos ang insidente ay agad na inilabas si Davis sa playing court at nakumpirma ang sprain matapos na sumailalim sa MRI. Mayroong average na 23.3 points at 9.9 rebounds kada laro si Davis.