-- Advertisements --

Pormal nang nai-turnover ni Supreme Court Associate Justice Samuel Gaerlan ang pagiging Bar Chairperson kay Justice Ricardo Rosario. 

Sa isinagawang ‘turnover ceremony’ kasama si Chief Justice Alexander Gesmundo, ipinasa na ni Justice Gaerlan ang pamumuno para sa 2027 Bar Examinations. 

Inaasahan sa unang buwan ng susunod na taon 2027 ilalabas ang resulta sa naganap na 2026 Bar Examinations.

Batay sa datos ng Korte Suprema, halos ‘perfect attendace’ ang pagtatapos o sa ikatlong araw ng naturang pagsusulit. 

99.9% anila ang numero ng ‘finishers’ o mga nakakumpleto sa tatlong-araw na ‘2026 Bar Examinations’. 

Ayon sa Kataas-taasang Hukuman, ito na ang maituturing pinakamataas na bilang ng ‘finishers’ sa kasaysayan ng Philippine Bar History. 

12,010 kasing ‘bar examinees’ ang tumuloy hanggang sa huling araw mula sa 12,017 ng ‘second day’. 

Habang inumpisahan naman nito sa 12,029 first-day turnout ng bar takers kumpara sa rekord na 13,441 admitted apppllicants.  

Isinagawa ang tatlong araw na ‘2026 bar examinations’ noong September 6, 9, at 13 nitong linggo. 

Tiniyak naman nilang may integridad ang naganap na pagsusulit ngayong taon.