Malaki ang tiwala ng opisyal ng Los Angeles Lakers na kayang makuha nila muli ang kampeonato sa pagkuha kay Andre Drummon.
Sinabi ni Lakers executive vice president of basketball operations and general manager Rob Pelinka na mayroong kakaibang galing sa basketball si Drummond na malaking tulong sa koponan.
Ang two-time All-Star at four-time NBA rebounding leader ay pumayag ng buyout sa Cleveland Cavaliers kung saan pumirma ng veteran minimum para sa natitirang panahon ngayong season.
Bukod sa Lakers ay naunang nakipag-usap ang 27-anyos na si Drummond sa Los Angeles Clippers, New York Knicks, Boston Celtics, Charlotte Hornets at ibang koponan.
Mayroong average ito na 17.5 points at 13.4 rebounds.
Nakuha ng Cleveland Cavaliers si Drummond noong Pebrero 2020 mula sa Detroit Pistons para kay John Henson, Brandon Knight at sa 2023 second-round pick.