okc THUNDER LAKERS
-- Advertisements --

Lumasap na naman nang pagkatalo ang Los Angeles Lakers nang masilat nang kulelat na Oklahoma City Thunder.

Mula sa 26 puntos na kalamangan, hinabol ito ng Thunder para iposte ang kanilang unang panalo mula sa apat na talo.

Ang Lakers ay meron ng tatlong talo at dalawang panalo.

Sinamantala rin ng Thunder ang ikalawang game na hindi paglalaro ni LeBron dahil sa injury.

Nasayang din ang triple double performance ni Russell Westbrook nang magpakita siya ng 20 points, 14 rebounds at 13 assists, habang si Anthony Davis ay nag-ambag ng 30 puntos.

-- Advertisement --

Dinala ni Shai Gilgeous-Alexander ang Thunder gamit ang 27 points.

Sa third quarter lamang nagbuhos na si Gilgeous-Alexander ng 17 points para 5-for-7 shooting.