-- Advertisements --

Nagwagi ang Los Angeles laban sa NBA defending champion Golden State Warriors sa iskor na 124-121 kung saan sa huling segundo na ng laro nakalamang ang Lakers.

Kumana ng 28 points, three rebounds at three assists ang top performer ng Lakers na si Anthony Davis.

Naging makapigil hininga ang face-off ng dalawang magkaribal na team kung saan nagpakawala pa ng isang magandang shot ang Warriors sa pamamagitan ni Jordan Poole para makatipon ito ng may kabuuang 25 points, four rebounds at six assists.

Gayunman hindi pa rin ito sapat para makuha ng panalo ang kanilang koponan na meron ng 2-1 record, habang ito pa lamang ang unang panalo ng Lakers sa loob ng tatlong games.

Naging susi sa unang panalo ng Lakers ang ipinakitang performance ni Davis upang punan ang hindi paglalaro ng kanilang veteran superstar na si LeBron James. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)