Lady Gaga
Lady Gaga/ IG post

Dinaluhan ng mga international celebrities ang Super Bowl 54 Pre-Game Party.

Pinangunahan ito ng singer na si Lady Gaga na nagsagawa ng mini-concert sa Miami.

Ilan sa mga kinanta nito ay ang “Poker Face”, “Born This Way”, “Bad Romance”, “Telephone” at “Just Dance”.

Naging performer kasi si Lady Gaga sa halftime ng Super Bowl noong 2017.

Pinayuhan din nito si J Lo at Shakira sa kanilang half time performance na huwag silang mag-lip sync.

-- Advertisement --

Ilan sa mga dumalo sa Pre-Game Party ay sina Paris Hilton, Floyd Mayweather, Russell Wilson, Bill Belchick at maraming iba pa.

Maghaharap sa Super Bowl finals ang San Francisco 49ers at Kansas City Chiefs.