Dumalo ang aktor at host na si Vice Ganda sa opening night ng “Mayhem” tour ni Lady Gaga sa Singapore nitong Linggo, Mayo 18.
Sa kanyang Instagram Stories, ibinahagi ni Vice ang ilang video clips mula sa concert na ginanap sa National Stadium. Suot niya ang isang pulang outfit, tampok ang kanyang signature flamboyant style habang nakiki-party sa mga fans ni Gaga.
Ang “Mayhem” tour ay bahagi ng promo tour para sa bagong album ni Lady Gaga na inilabas noong Marso 7. Ilan sa mga kantang inawit ng pop icon ay ang “Abracadabra,” “Garden of Eden,” “Poker Face,” “Perfect Celebrity,” “Disease,” “Paparazzi,” at “Zombieboy.”
Samantala sa isa pang panayam sa Good Morning America, sinabi ni Lady Gaga na ang album na Mayhem ay repleksyon ng kanyang personal na laban at ng kaguluhan sa mundo.
Inamin din ni Gaga na dati siyang may agam-agam sa pagbabalik sa pop music, ngunit pinatunayan niya sa sarili na siya ang may likha ng kanyang tagumpay.
“I made me, me,” ani Gaga.