-- Advertisements --

Inilagay na ang La Mesa Dam sa Alert Level 3 o red/critical level kasunod ng walang humpay na pag-ulan nitong Lunes, ayon sa Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council.

Base sa water level status ng La Mesa Dam nitong umaga ng Martes, Agosto 18, pumalo na ito sa 79.71 meters, lagpas na ito sa critical threshold na 79.50 meters.

Kaugnay nito, ibinabala ang pag-apaw ng tubig mula sa dam na maaaring magpabaha sa mabababang komunidad sa may Tullahan River kabilang ang Fairview, Forest Hills Subdivision, Quirino Highway at San Bartolome.

Wala namang nakataas na alerto sa Tullahan River kung saan napupunta ang sobrang tubig mula sa La Mesa Dam.

Gayundin sa Marikina River na nasa 14.98 m ang lebel ng tubig habang sa San Juan River ay nasa 11.97 m.