Reading Time: 1 minute
Aaron Carter
Aaron Carter/ IG post

Gumagawa na ng paraan ang mga Los Angeles County Sheriff para mabawi ang mga baril ng singer ni Aaron Carter.

Ito ay matapos na magpahayag ng pangamba ang kaanak nito dahil sa dinaranas na mental health ng singer.

Kapag makakuha na ng restraining order ang mga kapulisan ay kanilang agad babawiin ang baril.

Magugunitang ipinagmayabang pa ng singer na mayroon itong 9mm na handgun, dalawang assault riffles at ibang mga baril.

Nakasaad sa California law na dapat makakuha ng Gun Violence Restraining Order na kapag ang isang tao ay may-ari ng baril at ang mga kaanak nito o ang mga otoridad ay naniniwalang maaaring magamit ang armas sa pananakit sa mga tao.