Sasailalim sa reevaulation si Brooklyn Nets guard Kyrie Irving sa susunod na linggo matapos dumanas ng ligament sprain sa pagkatalo nila sa Washington Wizards nitong Linggo (oras sa Pilipinas).

Sa anunsyo ng Nets, nakumpirma sa isinagawang MRI sa kanang tuhod ni Irving ang inisyal na diagnosis na medial ligament sprain.

Tiniyak naman ni Irving sa isang social media post na babalik din sa dati ang kanyang kondisyon.

“Honestly, what a scare, but I know God and the angels definitely looked out for me on that one!,” saad ni Irving sa kanyang Instagram story.

Maaalalang umalis sa laro si Irving sa fourth quarter ng 113-107 pagkabigo nila sa Washington matapos maging masama ang bagsak nito sa sahig.

-- Advertisement --