BUTUAN CITY – Kasalungat sa pag-anib ni Jevilyn Cullamat sa rebeldeng New People’s Army (NPA), mas pabor sa militar ang kuya nitong si Jikson dahil sa nakita niyang mga development nang dumating ang kasundaluhan sa kanilang lugar sa Km. 16, Sitio Han-ayan, Brgy. Diatagon, Lianga, Surigao del Sur.

Sa kanyang official statement sa 3rd Special Force Battalion, Philippine Army, inihayag ni Jikson na simula noong dumating sa kanilang lugar ang kasundaluhan, wala siyang nakitang may nilabag ang mga ito sa kanila bagkus mas nakakatulong pa umano ang mga sundalo sa kanilang komunidad lalo na sa pagbigay sa kanila ng irigasyon para sa kanilang mga pananim.

Malaki ang kanilang pasasalamat sa presensya ng kasundaluhan dahil ngayon lang sila nakakatikim ng proyekto ng pamahalaan sabay dalangin na sana’y susunod na dito ang pagbibigay sa kanila ng sementadong daan at linya ng kuryente.