-- Advertisements --
Personal na binisita ni Kris Aquino si Mayor Susan Yap ng Tarlac.
Lulan ng kaniyang sasakyan kasama nito ang anak na si Bimby ay binati niya ang alkalde sa kaniyang ika-61 kaarawan.
Labis naman na nagpasalamat ang alkalde dahil sa hindi siya nakalimutan ng actress-host.
Naging magkaalyado na ang pamilya ng dalawa dahil ang ama ng alkalde na si dating Governor Jose Apeng Yap Sr. ay matagal na kaalyado ng ama ni Kris na si Benigno “Ninoy” Aquino Jr.
















