-- Advertisements --
Bumigay na rin ang Agana Bridge sa lungsod ng Tarlac dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan.
Ayon sa Tarlac City Disaster Risk Reduction and Management Office nangyari ang insidente dakong 8:32 ng gabi nitong Sabado, Agosto 29.
Ito na ang pangalawang tulay na bumigay na ang una ay ang Aquino Bridge sa nasabing lungsod.
Mayroong isang sasakyan ang naiulat na nahulog kung saan nailigtas ang isa habang ang apat na iba pa ay pinaghahanap pa.
Dahil dito ay napilitan ang mga otoridad na pansamantalang isara ito.















