-- Advertisements --

Nanatiling mataas ang kumpiyansa ng mga dayuhang mamumuhunan sa Pilipinas sa kabila ng imbestigasyon sa umano’y katiwalian sa mga proyektong pang-kontrol sa pagbaha.

Ito ang binigyang-diin ni Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Secretary Frederick D. Go.

Sinabi ni Go na patuloy pa rin ang pagpasok ng mga investment pledges sa bansa.

Pinabulaanan din niya ang mga ulat ng umano’y pagbagsak ng stock market dahil sa isyu sa imprastruktura, at tinawag itong “kumpirmadong pekeng balita.”

Ayon pa kay Go, inaprubahan na at ipinadala sa Office of the President ang kauna-unahang benepisyaryo ng CREATE MORE Act isang Koreanong kumpanya na mag-iinvest ng mahigit $1 bilyon sa bansa. 

Ang CREATE MORE (Republic Act No. 12066) ay batas na naglalayong palakasin ang ekonomiya sa pamamagitan ng mga insentibo sa negosyo.

Dagdag pa niya, wala ni isang dayuhang mamumuhunan ang umalis sa bansa sa kabila ng mga isyu.