-- Advertisements --

Nailigtas ng mga kapulisan ang isang Korean national matapos na ikulong umano ito ng kaniyang kababayan na pinaniniwalaang miyembro ng sindikato sa lungsod ng Paranaque, kagabi.

Nakilala ang biktimang si Gunse Lee habang ang mga suspek ay kinilalang sina Hyeok Soo Kwon, Dong Woo Sim at Yeongjun Lim na sinasabing miyembro ng Korean voice phishing criminal group.

Sinabi ng PNP Paranaque na bagong miyembro lamang ng grupo ang biktima.

Pinaghinalaan ito ng mga kasamahan na nagbibigay ng impormasyo sa mga otoridad kaya ikinulong na lamang ito sa condominium na kanilang condominium unit sa Brgy. San Isidro.

Nakuha sa mga suspek ang ilang mga dokumento at mga gadgets na ginamgamit sa kanilang modus.

-- Advertisement --

Sinasabing sangkot ang mga ito sa online loan fraud o panloloko sa mga kapwa Koreano.