-- Advertisements --

Sinalakay ng Philippine National Police (PNP) Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang Korean mart sa Novaliches, Quezon City.

Dito, nasamsam ng mga awtoridad ang P200,000 halaga ng hindi rehistradong Korean products.

Ayon sa CIDG, ikinasa ng Anti-fraud and Commercial Crimes Unit ang Korean food mart sa Barangay Talipapa na nagresulta sa pagkaaresto ng dalawang indibidwal kasunod ng buy-bust operation noong Mayo 20.

Nakumpiska sa operasyon ang 58 kahon ng luncheon meat, kape, soft drinks, at juice na mga hindi rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA) kung saan hindi tiyak kung ligtas ang kalidad ng mga ito.

Sa ilalim ng batas partikular na ng Food and Drug Administration Act of 2009, ipinagbabawal ang paggawa, pag-angkat, pagbebenta, distribusyon o pag-transfer ng health at food products nang walang awtorisasyon.