BUTUAN CITY – Nabigyan ng pansamantalang kalayaan ang kontrobersyal na roomboy ng isang lodging house sa Lungsod ng Butuan matapos makapirma ng 15 araw na waiver.

-- Advertisement --

Ito’y sa gitna ng pagdulog na sa City Prosecutor’s Office para sa kasong rape laban sa kanya ng babaeng kliyente na naka-check in sa kanyang tinatrabahuang lodging house na naligaw ng pinasukang kwarto kung saan siya nagpapahinga na nagresulta sa ilang minuto nilang pagtatalik.

Ayon kay Pol. Captain Emerson Alipit, tagapagsalita ng Butuan City Police Office, kasabay ng paghain sag naturang reklamo sa fiscal’s office ay ang pag-remand kay Alert Caerlang, taga-bayan ng Alegria, Surigao del Norte, sa Butuan City Jail ng ilang oras ngunit pinayagan muna itong lumaya matapos pumirma ng waiver.

Mismong ang kliyente at kasintahan umano ang naghain ng reklamo dahil sa pananamantala ng suspek sa panahon noong ito’y ginapang at niromansa ng babae.