Reading Time: 1 minute

BUTUAN CITY – Matapos umani ng moral at spiritual support sa kanyang mga fans at followers hindi lang sa social media kundi pati na sa mga taong may alam na sa totoong nangyari, pursigido ngayon ang roomboy na magsampa rin ng kasong rape laban sa babaeng kliyente ng tinatrabahuan niyang lodging house.

Ito’y may kaugnayan sa kontrobersyal na pagsasampa sa kanya ng kasong rape ng nasabing babae kahit ang naturang kliyente umano pumasok sa kwarto kung saan siya nagpapahinga at nagbunga ng ilang minuto nilang “sexcapade.”

| Babaeng nagkamali ng pasok ng kwarto sa lodging house, nakasiping ang roomboy

Ayon kay Albert Caerlang na residente sa bayan ng Alegria, Surigao del Norte, ang serbisyo ng private lawyer na si Edwin John Pizarro ang kanyang kukunin upang masiguro ang kanyang panalo.

Mariin din niyang pinaninindigan na walang rape na nangyari dahil ang naturang babae umano ang unang gumapang sa kanya matapos magkamali ng pasok ng kwarto kung saan sila nag-check in ng kanyang boyfriend.

Aminado siyang ito ang unang beses sa Caraga Region na may lalaking magsasampa ng kaso rape laban sa isang babae at pursigido siyang ipanalo ito para na rin sa iba pang lalaking may kagayang karanasan sa kanya at bilang paglilinis na rin sa kanyang pangalan.