Albert Caerlang

BUTUAN CITY – “Abot hanggang langit” ang pagsisisi ng roomboy ng isang lodging house sa lungsod ng Butuan na nagpadala siya sa init ng romansa ng babaeng kostumer na nagkamali sa pagpasok ng kwarto.

Ito ang naging dahilan kaya may nangyari tuloy sa kanila.

Ayon sa suspek na si Albert Caerlang, residente ng Alegria, sa lalawigan ng Surigao del Norte, nagpahinga lamang siya sa kalapit na kwarto kung saan nag-check-in naman ang isang kustumer kasama ang kanyang kasintahan.

| Update: Kontrobersyal na roomboy sa Butuan City, magsasampa din ng rape vs babaeng kliyente

Napag-alamang umihi lamang umano ang babae ngunit nagkamali pala nang pinasukang kwarto.

Laking gulat na lamang nito na iba na ang kanyang katabi hanggang sa makaulayaw niya ang hindi kilalang babae.

Aniya, naramdaman daw niyang hinahalikan na siya na kanya namang sinabayan matapos umano siyang “ma-challenge” na rin.

Sa huli, todong nagreklamo ang babae sa management ng nasabing lodging house matapos na madiskubre na ang lalaking kanyang nakaniig ay hindi pala ang kanyang BF na nasa ibang kuwarto.

Samantala, dahil sa nakauwi na kung kaya’t sa pulisya na lamang ng kanilang bayan sumuko si Caerlang.

Agad namang dinala siya sa Butuan City Police Office upang harapin ang kasong rape na isinampa sa kanya ng babae na nagkamaling pumasok sa kanyang kuwarto.

“Pumasok po siya sa kwarto kung saan ako nagpapahinga sir, kasi 24-hours akong naka-duty,” kuwento pa ni Caerlang sa Bombo Radyo Butuan. “Bigla na lang akong pinaghahalikan tapos alam mo naman, sir, lalaki ako kaya nakipagsabayan na rin ako sir. Hindi naman po siya pumalag dahil nasasarapan din hanggang sa nakaraos din ako sir. Lumabas po ako at sumunod po siya. Doon niya nalaman na iba ang nakasiping niya sir. Makokonsidera po bang rape yon, sir, eh siya naman ang pumasok sa kwarto at unang gumapang po sa akin?”

Interview with roomboy Albert Caerlang

Tumanggi namang ipasapubliko ang pangalan ng babae at ang kanya sanang ka-date na boyfriend.