BUTUAN CITY – Matagumpay na napahuli ng isang ama ang isang lalaking dentista matapos amgsumbong ang kanyang anak na ilang beses na pala itong na-harass sexually simula pa nitong nakalipas na taon nang ito’y magpa-dental service.
Ayon sa amang si alyas Oscar na personal na dumulog sa Bombo Radyo Butuan, nahuli na at nasa kostudiya na ng pulisya ang suspetsadong nag-clinic sa isang mall sa may Brgy. Tandang Sora nitong lungsod matapos ang masusi mga legal na hakbang na kanyang ginawa.
Ayon sa ama, simula nitong nakalipas na taon, noong nagpa-brace at nagpa-tooth expander ang kanyang 14-anyos na ngayong anak, hindi na umano mabilang ang pangha-harass nito sexually sa kanyang anak lalo na’t every-other-day itong pinapabalik sa kanyang klinika para sa kanyang expander habang kada-buwan naman para sa kanyang brace.
Bago lamang ito nagsumbong sa kanya matapos na ang nooy sa akala niya, unintentional ang ginawa ng dentista, ang huli ay kanya na talagang pinisl ang dibdib ng bata na unang isinumbong nito sa syota ng kanyang kuya.
Pursigido ang aman na tanggalan ng lisensya ang nasabing dentista at mapasara ang klinika nito upang mabigyan ng hustisya ang kanyang anak at ang iba pang posibleng nabiktima nito.