-- Advertisements --

Balik na muli sa sesyon ang Kamara de Representantes makalipas ang mahabang break bunsod ng kampanyahan at general elections noong May 9.

Dakong alas-2:00 nang buksan ang plenary session kung saan umabot sa 296 na mga House members ang present.

Karamihan pa rin naman sa mga kinatawan ay dumalo sa pamamagitan ng hybrid o online.

Pansamantalang nag-preside sa sesyon si deputy speaker at Sorsogon 1st District Representative Evelina Escudero.

Naghahanda ang Kongreso sa gagawing canvassing of votes sa mga nanalong presidente at vice president noong May 9 elections.

Ang dalawang kapulungan ng Kongreso ay bubuo ng contingent ng Joint Committee na siyang magsasagawa ng actual count of votes simula bukas, Mayo 24.

Ayon sa mga lider ng Kongreso, pipilitin daw nilag tapusin ang convassing sa pinakamabilis na paraan bago matapos ang linggo ito.