-- Advertisements --

Pumanaw na ang komedyanteng si Bayani Casimiro Jr. sa edad na 57.

Ayon sa kapatid nitong si Marilou Casimiro, na-cardiac arrest ang dating komedyante.

Si Arnulfo “Jude” Casimiro, ay isinilang noong Agosto 15, 1967.

Ang ama nito ay si Bayani Casimiro na kilala bilang si “Fred Astaire of the Philippines”.

Sumikat siya sa pagganap bilang si “Prinsipe K” o Prinsipe Kahilinga mula sa sikat noon na “Okay Ka Fairy Ko” na pinagbibidahan ni Vic Sotto.

Hindi na ito nakapag-asawa at nagkaanak kung saan nakaburol ang labi nito sa St. Peter’s Memorial Chapel sa Paranaque City.

Itinakda naman sa Hulyo 30 ang cremation nito bago ilibing.