-- Advertisements --

Nakabawi na rin ang New York Knicks matapos talunin sa Game 2 ang Atlanta Hawks, 101-92, upang itabla ang serye sa 1-1 sa first round ng NBA playoffs sa Eastern Conference.

Umeksena ng husto ang dating MVP na si Derrick Rose upang pangunahan ang opensa ng Knicks nang magpasok ng 26 points.

Ang NBA’s Most Improved Player na si Julius Randle ay gumana na sa third quarter nang inalat sa unang bahagi ng game.

Nagtapos siya sa 15 points at 12 rebounds.

Sa panig ng Atlanta nasayang naman ang ginawa ng guard na si Trae Young na umiskor ng 30 points.

Sa Sabado sa Game 3 pagkakataon ng Atlanta na makuha muli ang abanse lalo na at papayagan na rin ang full capacity ng mga fans sa unang pagkakataon.