Kinumpirma ni PNP CIDG chief B/Gen. Joel Napoleon Coronel na kliyente ni dating Batangas Cong. Edgar Mendoza ang principal suspek sa pagpatay sa kaniya, sa driver nito at bodyguard.
Kinilala ni Coronel ang kliyente ng biktimang abogado na si Sherwin Sanchez na kasalukuyang nakakulong sa New Bilibibid Prison (NBP) na isang murder convict.
Si Mendoza ang legal counsel ng convict na si Sanchez.
Nakatakda sanang kolektahin daw ni Atty Mendoza ang milyong halagang bayad at real property sa kaniya pero nauwi ito sa trahedya.
Nagsimulang magbanta raw si Sanchez matapos hindi natupad ang pangakong pagpapalaya sa kaniya maakaraang magbayad ng milyong halaga.
Ibinunyag ng heneral na nag-hire umano ng criminal gang si Sanchez para patayin si Mendoza kapalit ng P100,000.
Kwento ni Coronel contact ni Sanchez ang kapwa inmate na si Arthur Fajardo na lider na kumontak sa misis nito na si Jael Fajardo na siya ring kumontak ng mga tauhan para patayin ang abugado.
Kwento ni Coronel pinainom daw ng kape sina Atty Mendoza, bodyguard at driver na may halong sleeping pills at habang tulog dito na pinagsaksak ang mga biktima at hinampas ang mga ulo, patay na ang mga biktima ng dalhin sa Tiaong, Quezon.
May isa pang suspek ang tinutugis ngayon ng PNP CIDG.
Una nang kinilala ni Coronel ang limang mga sangkot na suspeks na sina Kristine Fernandez, Jael’s assistant; Madonna Palermo, Carlo Acuna; Erickson Balbastro; at Rodel Mercado.
Habang ang tinukoy na mga killers ay sina Acuna, Balbastro at Mercado na pawang mga at large.
Kinokonsidera namang case solved ni PNP chief Gamboa ang kaso ni Mendoza.
“By our own parameters on crime solution and crime clearance, this case is considered solved and is now elevated to the prosecution arm of the justice system,” wika pa ni Gen. Gamboa.