AKLAN
Aklan

Klase sa 2 bayan sa Aklan, suspendido dahil sa malakas na pag-ulan at baha

KALIBO, Aklan – Dahil sa nararanasang malakas na buhos ng ulan na dulot ng bagyong Falcon, nagsuspinde na ng klase nitong Martes ng hapon sa bayan ng Malay at Buruanga sa Aklan.

Sinuspinde nina Malay Mayor Frolibar Bautista at Buruanga Vice Mayor Femy Dumaguin ang pasok sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan mula pre-school hanggang High School.

Naging tuloy-tuloy ang pag-ulan sa lalawigan ng Aklan simula kaninang umaga bunsod ng nasabing bagyo na nagresulta sa pagtaas ng tubig-baha.