-- Advertisements --

Binabatikos ngayon si Sacramento Kings star Jabari Parker dahil matapos na ibunyag nitong nagpositibo siya sa coronavirus noong nakaraang mga araw ay nakita itong naglaro ng tennis ng wala man lang suot na facemask.

Makikita sa kumalat na larawan sa social media ang paglalaro nito sa Longfellow Park sa Chicago.

Bukod pa sa nasabing paglalaro ng tennis ay nakita pa umano ito sa isang kainan sa Windy City.

Magugunitang sa pahayag ng koponan na nasa isolation area na ngayon ito para hindi na kumalat pa ang nasabing virus.