-- Advertisements --

Patuloy na bineberipika ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ulat na mayroong isang Filipino ang nasawi matapos na sumapi sa Russia at nakipaglaban sa Ukriane.

Ayon kay AFP spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla na mayroon na kanilang bineberipika ang nasabing ulat.

Hanggang wala pa silang nakuhang buong kumpirmasyon ay hindi muna sila magbibigay ng anumang impormasyon.

Magugunitang kinumpirma ng Ukrainian news agency na base sa impormasyon mula sa intelligence agency ng Kyiv ay isang Pinoy ang napatay habang nakikipaglaban sa panig ng Russia sa Donetsk region.

Kinilala ng Defense Intelligence ng Ukraine ang Pinoy na isang 37-anyos na lalaki mula sa Metro Manila.

Base sa ulat na nakakuha ng Russian visa ang fighter noong Enero ngayong taon at nagtungo sa Russia noong Abril.

Pumirma ito ng kontrata sa Russian Armed forces noong Mayo 3 bago nagsanay ng ilang linggo doon at agad na isinabak sa labanan.

Napatay umano ang Pinoy noong Mayo sa Katerynivka sa Donetsk region.

Noong Pebrero 2022 ng ilunsad ng Russia ang malawakang pag-atake sa Ukraine na nagdulot sa pagkasawi ng ilang libong katao na.