Target ng Pilipinas at Japan na maselyuhan ang pag-uusap para sa pagtatakda ng maritime boundaries ng dalawang bansa.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mahalagang magkasundo para sa eksaktong hangganan ng karagatan na sakop ng Pilipinas at Japan dahil may mga bahaging nagkakapatong ang baselines.
Wala ding nakikitang malaking balakid ang Pangulo sa negosasyon at umaasa siyang makukumpleto ang proseso ngayong 2026.
Tungkol naman sa pagtutol ng China, sinabi ni Pang. Marcos na bilateral na usapin ito ng Pilipinas at Japan.
Gayunman, bukas aniya ang dalawang bansa sa pakikinig sa pananaw ng ibang stakeholder.
Samantala, sinabi ni Pang. Marcos na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa Taiwan, lalo na sa kalakalan at negosyo.
Binigyang-diin niya na ang ugnayan ng Pilipinas at Taiwan ay naaayon sa One-China policyng bansa at ang mga umiiral na mekanismo sa pagitan nila ay nakatuon sa commercial matters.





![Direk Joey Reyes, nagbabala sa kalagayan ng pelikulang Pilipino: ‘We have to up the quality of the [Filipino] movies’](https://img.bomboradyo.com/newscenter/2026/08/Joey-Reyes-100x70.webp)




