Sinimulan na ni King Felipe VI ng Spaina ng kaniyang 10 araw na quarantine matapos na makasalamuha ang nagpositibo sa COVID-19.

Dahil sa pangyayari ay tuluyang kinansela nito ang kaniyang pagpupulong sa Madrid nitong Lunes.

Patuloy naman sa kanilang royal activities ang asawa nitong si Queen Letizia at dalawang anak nilang babae.

Umaabot na kasi sa mahigit 1.58 million COVID-19 cases ang naitala sa Spain na siyang pangalawa sa may pinakamaraming kaso sa Eruopa na ang una ay France.