Kim chiu van 5

Eksakto isang linggo matapos magkaroon ng “second life,” napabalik-tanaw si Kim Chiu sa pagkakaligtas nito sa kinasangkutang ambush sa bahagi ng Quezon City.

Sa kanyang online post matapos ang ilang araw na pananahimik, bakas na tila ngayon pa lamang nagsi-sink sa 29-year-old actress na buhay pa rin sila ng kanyang driver at assistant.

Ayon sa Chinese-Filipina actress na tubong Cebu, napagtanto nito na talagang maiksi lamang ang buhay kaya masasabi niyang isang himala na siya ay nakaligtas.

Mas papahalagahan rin daw nito ang buhay lalo’t naramdaman niya ang presensiya ng Diyos na siyang nagbigay ng proteksyon upang walang masawi sa insidente na una nitong pinaniwalaan bilang “mistaken identity.”

Sa ngayon aniya ay ayaw nitong may mamuong pagkamuhi at galit sa kanyang puso, kaya tuloy ang buhay lalo’t wala siyang natatapakan na sino man.

View this post on Instagram

It has been a week since…. that day made me realize life is really short, life is very precious and most of all felt God’s presence he protected me, my PA and my driver,. None of us was hurt. He is really powerful amongst us all. I must say it was a miracle. I could not explain the feeling but I know he was with us and so our guardian angels. I want to thank my AbsCbn family Direk Lauren Dyogi who picked me up at taping and secured my safety all through out and abscbn bosses Tita Cory, Sir Mark and Sir Carlo to my StarMagic family Tita Mariole and Mr M, my handler Ate Edith and my sister Ate Lakam, to my friend Ranvel Rufino for urgently went on set with lawyers with him thank you sobra sa inyo. So many people helped me get through this I am blessed to be surrounded with these kind of people they dont have to do this ang dami na nilang pinoroblema but still they insisted to help me. Now everything is slowly unfolding and I am glad that I am alive despite…….. I realized a lot of things., you discover people who are willing to help, people who care for you and people who just wants to bring you down. I don’t want to get mad at them or “hate” them., Puno ng pasasalmat ang puso ko, Im just happy that I am here posting another IG post and thanking HIM for this Precious life! Tuloy ang buhay!🙏🏻 . . . I want to thank tita cory and tita mariole for the continuous update. Thank you for always checking on me. Atty Aby and Atty Edwin thank you. Papa God maraming salamat po. Now no need to be scared. 🤍 Kung wala ka namang ginagawang masama, there is no need to be scared. #grateful #Faith 🙏🏻❤️

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess) on

Kim Chiu Xian Lim

Sa panig naman ng celebrity boyfriend nitong si Xian Lim, hindi na nasundan pa ang mensahe nito patungkol sa insidente.

Pero una nang nag-post ang 30-year-old actor ng black square at inihayag na walang sino man ang makakapagpaliwanag kung bakit may mga katakot-takot na sitwasyon ang biglang nangyayari.