CAGAYAN DE ORO CITY – Napatunayang maysala sa korte ang isang kilalang abogado sa Cagayan de Oro dahil sa kasong obstruction of justice o Presidential Deceree No.1829.

Dahil dito, “guilty beyond reasonable doubt” ang naging hatol ng korte laban kay Atty. Alejandro Jose “Joe” Pallugna sa kasong isinampa laban sa kaniya matapos itinago ang isang menor de edad na nagsilbing complainant ng kaniyang banyagang kliyente.

Ayon kay Regional State Prosecutor Merlynn Uy, pinagmumulta ng P6,000 si Pallugna sa korte at binigyan ng 15 araw upang madepensahan ang kaniyang sarili laban sa kaso.

Tiniyak naman ng abogado na kaya niyang ipagtanggol ang kaniyang sarili at maghahanap siya ng legal remedies upang mapatagumpayan ang kaso.